Calendar
Provincial
3 bata utas sa sunog
Bernard Galang
Apr 26, 2025
541
Views
TATLONG magkakapatid na may edad 1, 3 at 6-anyos ang namatay noong Biyernes matapos masunog ang kanilang bahay sa Purok 4, Brgy. Gatbuca Calumpit, Bulacan dahil sa napabayaang kandila.
Sa report kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, nagsindi ng kandila si Ann Torres, 32, ang ina ng tatlong biktima, dahil nawalan ng kuryente sa kanilang lugar.
Lumabas ang ina upang bumili ng gatas at sa kanyang pagbalik nakita niya ang usok na nagmumula sa kanilang bahay.
Humingi siya ng tulong sa mga opisyal ng barangay para apulahin ang apoy.
Matapos ideklarang fire out, nakita ng mga bumbero ang sunog na katawan ng tatlong bata.
Tumatawid sa kalye nakarating sa langit
Jun 6, 2026
Limay Polytechnic College batch ’26 nagtapos
Jun 6, 2026
DRUG INVENTORY
Jun 6, 2026
Bayanihan naipapakita sa Brigada Eskwela
Jun 6, 2026
Mabini seniors tatanggap ng ayuda, gamot
Jun 6, 2026
PRO 4A nagparangal sa chaplain
Jun 6, 2026

