Calendar

Madrona nanguna sa pagsalubong, pagtanggap kay Rep. Jolo Revilla
PINANGUNAHAN ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang pagsalubong at pagtanggap kay Cavite 1st Dist. Rep. Jolo B. Revilla matapos nitong bisitahin ang Barangay Bachawan, San Agustin, Romblon para maging kinatawan ng kaniyang ama na si Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) re-electionist senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.
Binisita ng batang Revilla ang mga provincial at municipal leaders ng Romblon sa pangunguna ni Madrona para maiparating nito ang mensahe ng kaniyang ama para sa mga nasabing opisyal ng lalawigan kaugnay sa kaniyang mga progra at adhikain.
Bukod kay Madrona, kabilang din sa mga opisyal ng Local Government Unit (LGU) sa Romblon na sumalubong kay Revilla ay sina Governor Jose “Otik” R. Riano, Vice Governor Armando “Arming” Gutierrez kasama na ang mga Local Chief Executives, municipal Council Members at iba pa.
Sa kaniyang mensahe, binigyang diin nito ang commitment ng pamilya Revilla na suportahan ang local development sa iba’t-ibang lalawigan partikular na sa Romblon.
Bukod dito, sinabi pa ni Revilla na isusulong din ng kaniyang ama sa Senado ang pagtataguyod sa kagalingan ng mga Filipino communities lalo na ang mga nasa malalayong lalawigan.
To God be the Glory