Suspek

Rape suspek sa Caloocan, huli sa Paranaque

Edd Reyes May 6, 2025
22 Views

HULI ang 53-anyos na mekaniko dahil sa kasong panghahalay ng mga elemento ng Northern Police District (NPD) sa Monumento Circle noong Lunes sa Caloocan City.

Natyempuhan si alyas Kenneth, 53, na napag-alamang nagtago sa Brgy. San Dionisio, Paranaque City mula ng kasuhan ng kanyang ginahasa.

Ayon kay NPD chief P/Brig. Gen. Josefino Ligan, dakong alas-8:45 ng gabi nang dakmain ng mga pulis ang akusado sa Monumento Circle, East Grace Park, Brgy. 86.

Nahuli siya sa tulong ng dalawang warrant of arrest na inilabas nina Caloocan Family Court Presiding Judge Aleli Hernandez Briones ng Branch 1 at Caloocan Regional Trial Court (RTC) Judge Glenda Callo Marin ng Branch 124 para sa mga kasong rape na parehong walang inirekomendang piyansa.