Goitia: PH di naghahanap ng digmaan
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
bata, bebot, suspek tigok; 1 sugatan sa shooting sanhi ng LQ
Gil Aman
May 9, 2025
476
Views
TATLO ang namatay, kabilang ang suspek na nagbaril sa sarili, at isa ang sugatan sa pamamaril sa Southville 5A, Brgy. Langkiwa, Binan City, Laguna.
Sa report ng Binan City police, kinilala ang mga nasawi na sina alyas Joan, Jenel,10; at ang suspek na si alyas Joel.
Kasalukuyan naman ginagamot ang isa pang biktima na si alyas Jomari dahil sa tinamong bala sa katawan.
Naganap ang pamamaril bandang alas-3:00 ng hapon sa loob ng bahay.
Ayon sa ilang saksi, nakarinig sila ng malakas na sigawan dahil sa umanoy namamagitang love quarrel.
Ilang sandali pa umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.
Dahil nakasarado ang gate at pintuan ng bahay, pinilit buksan ang bahay at doon umambad ang mga biktima gayundin ang suspek na nagbaril sa sarili.
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
UPLB 4PH Rental Housing Project ginagawa na
Aug 24, 2026

