Romero

1-PACMAN Party List first nominee Milka Romero nagpasalamat sa suporta ng libo-libong SK leaders sa Biñan City

Mar Rodriguez May 13, 2025
19 Views

Romero1NAGPAHAYAG ng pasasalamat si 1-PACMAN Party List Representative first nominee Mikaela Louise “Milka” Romero para sa suportang ibinigay ng libo-libong Sangguniang Kabataan (SK) leaders sa Biñan City.

Nauna rito, nakuha ni Milka Romero ang suporta ng mga opisyal ng 23 barangay sa Biñan City, Laguna kabilang na ang mga liders ng SK na nagmula sa iba’t-ibang barangay sa naturang Lungsod.

Dahil dito, taos pusong pinasalamatan ni Romero ang mga kabataan dahil sa isinagawa nilang Youth Volunteers Grand Assembly sa Barangay Canlalay sa Biñan City.

Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan naman ni mayoral candidate Vice-Mayor Gel Alonte kung saan ipinahayag nito sa ginanap na okasyon ang kaniyang pagsuporta para sa 1-PACMAN Party List.

Sinabi naman ni Biñan SK Federation President Alonzo Garcia na kaya nila sinusuportahan si Romero ay dahil naniniwala silang tunay na isusulong nito ang mga adbokasiya para sa mga kabataan partikular na ang edukasyon, kalusugan at kabuhayan.

Ayon naman kay Milka Romero, ang mga lider-kabataan sa Biñan ang pinakamalaki sa nilang youth support group sa buong Pilipinas.

“Over 15 years of experience na po ako sa sports as an athlete, as an entrepreneur and as public servant as I have helped 1-PACMAN with its advocasies,” ani Romero.