Tulfo

Incoming DSWD Sec. Tulfo pinangalanan 2 Usec

257 Views

DALAWANG dating mamamahayag ang kinuha ni incoming Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo bilang undersecretary ng hahawakan nitong ahensya.

Ayon kay Tulfo kinuha nito sina Sally Navarro bilang undersecretary for the Office of the Secretary, at Jerico Javier bilang undersecretary for Operations.

Sinabi ni Tulfo na nakasama na nito ang dalawa ng matagal na panahon at sila ay mayroong karanasan sa pagtulong sa mga mahihirap lalo na sa pamimigay ng tulong sa iba’t ibang lugar noong kasagsagan ng pandemya.