Namaril Kitang-kita sa CCTV footage ang pagtutok at pamamaril ng suspek sa biktima na tinamaan sa tiyan. Tinamaan din ang dalaga ng stray bullet. Kinakausap ni P/Lt. Col. Melvin Florida ang suspek na naaresto matapos mamaril. JONJON C. REYES

Walang maparadahan namaril sa Caloocan, arestado

Jon-jon Reyes May 18, 2025
48 Views

ARESTADO at nahaharap sa kasong frustrated murder at physical injury ang lalaki na dalawang beses binaril ang nakaalitan at nakatama pa ng dalaga sa Langara St., Caloocan City noong Sabado.

Nakilala ang biktima na si alyas John, 45, at si alyas Che ang dalaga na tinamaan ng stray bullet.

Naaresto ang suspek na si Gregorio Tabago, 44, batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida Jr., station commander ng Manila Police District.

Naaresto ang suspek alas-4:00 ng hapon sa tulong ni Police Major Adobis Sugui ng Northern Police District.

Dakong alas-10:10 ng umaga nangyari ang pamamaril sa panulukan ng Lallaña at J.P. Rizal Sts. sa Brgy. 104, Tondo

Ayon sa report, walang maparadahan ang suspek ng kanyang motorsiklo kaya nagalit at umuwi ng bahay. Pagbalik may dala ng baril ang suspek.

Sa kuha ng CCTV, tinutukan at pinutukan ng dalawang beses ng suspek ang biktima na tinamaan sa tiyan at binaril pa uli na tumama sa 20-anyos na dalaga.