Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Presyo ng diesel, gas, gaas tataas

Edd Reyes May 19, 2025
473 Views

BUBULUSOK ng P1.70 kada litro na dagdag presyo ang diesel habang P1.20 kada litro sa gasolina at kerosene simula alas-6:01 ng umaga sa Mayo 20.

Ganito kalaki ang price increase ng produktong petrolyo base sa abiso ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines, Flying V, Chevron Corporation, PTT Philippines, Total Philippines, Petro Gazz, Jetti Oil at Unioil.

Alas-8:01 ng umaga naman ang simula ng price increace ng Clean Fuel, ayon sa abiso

Wala pang abiso ang iba pang mga maliliit na kompanya ng langis bagama’t inaasahan na susunod din sila sa pagpapatupad ng malakihang pagtataas sa halaga ng kanilang mga produkto.