RTWPB

P40 taas sa arawang sahod sa Central Luzon inaprubahan

265 Views

INAPRUBAHAN ang P40 dagdag sa arawang sahod sa Central Luzon.

Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang dagdag sahod ay dalawang bigay—P30 sa Hunyo at dagdag na P10 sa Enero 2023.

Ang taas-sahod ay ipatutupad sa mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Ang kasalukuyang arawang minimum na sahod sa Aurora ay P304 hanggang P369, at mula P395 hanggang P420 sa anim na probinsya depende sa dami ng empleyado at kinabibilangang sektor ng negosyo.