Operation Romanov kathang isip lamang — Barbers
Jul 12, 2026
Mga alegasyon pinatitibay na ng mga ebidensiya
Jul 12, 2026
Calendar
Nation
Kamandag 2025 sinimulan na
Zaida Delos Reyes
May 27, 2025
436
Views
SINIMULAN na ng Philippine at US Marines ang ika-siyam na edisyon ng kanilang taunang pagsasanay na tinawag na KAMANDAG 2025 o Kaagapay ng mga Mandirigma Mulasa Dagat.
Tampok sa aktibidad ang pag-deploy ng NMEDIS anti-ship missile system ng America sa Northern Luzon.
Ayon kay Philippine Marine Corps Commandant MGen Arturo Rojas, nasa 5,000 sundalo ang kalahok sa military drills na tatagal hanggang Hunyo 6.
Kasama rin sa kalahok ang mga kinatawan mula Japan, South Korea at United Kingdom habang nagmamasid naman ang ilang pwersa mula sa France, Australia at Indonesia.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang depensang pandagat at baybayin upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyong Indo-Pasipiko.
Operation Romanov kathang isip lamang — Barbers
Jul 12, 2026
Mga alegasyon pinatitibay na ng mga ebidensiya
Jul 12, 2026

