Todas

Lalaki binoga, bulagta

16 Views

PATAY ang lalaki sa Antipolo City na binaril ng dalawang nakatakas na salarin noong Sabado, ayon sa report kay Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun.

Ang biktima, si alyas Ron, 30, nakatira sa Sta. Cecilia, Peñafrancia, Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal habang ang mga suspek kinilalang sina alyas Gilbert, 45; at Dan-Dan.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-7:00 ng gabi nakasakay sa kanyang motorsiklo ang biktima nang lapitan ng mga suspek at binaril sa kaliwang dibdib.

Tumakas na papunta sa hindi natukoy na direksyon ang mga suspek pagkatapos ng pamamaril.

Idineklarang patay ang biktima ng dumating sa ospital, ayon sa attending physician na si Dr. Christine Claire C. Inocentes.