DA

Anti-smiggling campaign ng DA pinahigpit

Cory Martinez Jun 20, 2025
19 Views

PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang anti-smuggling campaign nito sa pagtutok sa sibuyas bunsod ng mga serye ng kaso ng smuggling sa Cagayan de Oro, Subic, at Manila.

Isinagawa ang hakbang kasunod ng pagiging batas kamakailan ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na nagpapalakas sa implementasyon at direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang mga magsasaka, consumers at mga negosyo at bantayan ang kalusugan ng publiko laban sa mga walang konsensiyang negosyante.

Ayon DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., smuggled ang lahat ng imported na sibuyas na ibinebenta sa lahat ng palengke dahil wala siyang ibinigay na permit kahit kanino simula pa ng Enero 2025.

Paliwanag ni Tiu Laurel, malalaki at malinis ang mga hinihinalang puslit na sibuyas kaysa sa lokal na sibuyas, at naglipana sa mga palengke sa kabila ng kawalan ng import permits.

Ipinaalala ng kalihim na maaaring managot ang buong supply chain sa ilalim ng bagong batas, kabilang na ang brokers, truck drivers at retailers.

“Subalit ang ating target ay ang tinatawag na “big fish”. Sasalakayin namin ang mga warehouse sa tulong ng Philippine National Police (PNP),” dagdag nito.

Magsasagawa ang DA ng pagsusuri sa laboratoryo sa mga nakumpiskang sibuyas upang masiguro na hindi banta ang mga ito sa kalusugan ng publiko.

Sa mga nakalipas na inspection, nakakita ng latak ng E.coli at heavy metals sa mga smuggled na puting sibuyas.

Hinikayat ni Tiu Laurel ang mga vendor na makipagtulungan sa pagtukoy sa pinagmulan ng mga sibuyas.

Sinabi naman ni Genevieve Velicaria- Guevara, Agriculture Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing , and Consumer Affairs, magsasanay ang DA ng mga police officer na tutukoy sa mga lokal na produkto at imported na produktong agrikultura, kabilang na ang baboy, bilang bahagi ng pagsisikap na mapatatag ang anti-smuggling campaign ng gobyerno.

Ang republic Act no. 12022 na pinirmahan kamakailan ng Presidente, ay nagpapawalang-bisa sa 2016 Anti-Agricultural Smuggling Act para sa mas mahigpit, mas komprehensibong implementasyon ng mekanismo.