Pogoy1 Bida si Pogoy ng TNT. PBA photo

Pogoy ika-101 member ng PBA 5,000-point club

Robert Andaya Jun 26, 2025
676 Views

MAY bagong maipagmamalaki si Roger Pogoy ng TNT Tropang 5G.

Tinanghal ang veteran guard ng TNT bilang pinakabagong player na kasama sa eklusibong 5,000-point club matapos ang kanyang mahusay na laro laban sa Magnolia Hotshots sa PBA Philippine Cup quarterfinal round

Naitala ni Pogoy ang kanyang 5,000 points sa huling bahagi ng first quarter ng laro, na kung saan may team-high 18 points, seven rebounds, at five assists siya para sa TNT.

Tinanggap ng 33-year-old guard mula Far Eastern University ang kanyang special PBA Career Achievement Award mula kay PBA Commissioner Willie Marcial sa halftime ng Game 1 ng TNT-Rain or Shine semifinals series.

Kasama ni Marcial sa maikling awarding ceremony sina PBA Chairman Ricky Vargas at Rain or Shine governor Atty. Mamerto Mondragon.

Ayon kay PBA resident statistician Fidel Mangonon III, si Pogoy ang ika 101st member ng 5,000-point club at ika 96th sa mga local players.

Siya din ang ika 15th active player na nakasama sa listahan at ika-seventh player mula sa TNT kasunod nina Glenn Capacio, Vic Pablo, Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo, Jason Castro, at Kelly Williams.