Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Dionisio House Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr.

Kamara di dahilan ng pagka-antala ng impeachment trial

303 Views

IGINIIT ng mga lider ng Kamara de Representantes na hindi sila ang dahilan kung bakit naantala ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, at sinabing nagampanan na ng Mababang Kapulungan ang kanilang tungkulin.

“Hindi ko maintindihan ang comment na why the House panel would be stubborn,” ayon kay House Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. sa ginanap na press conference nitong Huwebes.

“Ginagawa na nga ng House prosecution, ng House, ang duty nila above that. So I think the House is being cooperative with the Senate acting as an impeachment court and there’s no reason (for) name-calling,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang pahayag ni Dionisio ay tugon sa naunang puna ni Senate President Francis “Chiz” Escudero, na tinawag ang mga tagausig ng Kamara na “stubborn” at binanggit ang posibleng pagbasura ng impeachment court sa reklamo.

Samantala, sinabi ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na malinaw ang ipinakitang respeto ng Kamara sa pamumuno ng Senado sa kabuuan ng proseso.

“The impeachment court is the one determining the timeline, the impeachment court is the one ordering both the prosecution and defense to comply to such requirements,” paliwanag ni Adiong.

“And if there’s any delay… it’s not the House prosecution team,” giit pa ng mambabatas.

Pinaalalahanan din ni Dionisio ang mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan na ang dapat na bigyan ng tuon ay ang pagtupad sa Saligang Batas at hindi sa palitan ng maaanghang na salita.

“Tama na ‘yung giitan o ‘yung mga name-calling o ‘yung turuan or pasahan ng bola,” aniya.

“Let’s work together, let’s proceed with the impeachment complaint and do our constitutionally mandated duty,” dagdag pa niya.

Bagaman tumangging direktang sagutin ang komento ni Escudero, sinabi ni Adiong na posibleng may hindi lamang pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang kapulungan.

“I don’t see it that way. I only see it as something na merong hindi pagkakaunawaan yata,” saad ni Adiong.

Binigyang-diin din niyang ang House prosecution panel ay kumikilos batay sa panuntunan at gabay ng impeachment court.

“We merely submit to the orders of the court, and that’s what we’ve been doing from the very start,” ayon pa sa mambabatas mula sa Mindanao.

Kapwa umaasa sina Dionisio at Adiong na itutuloy ng Senado ang paglilitis at hayaang magpatuloy ang impeachment process ayon sa itinakdang proseso ng Konstitusyon.