Calendar
Ang tsuper ng jeep matapos matimbog ng mga operatiba ng MPD makaraang gahasahin ang 9-anyos na batang babae sa Tondo, Manila.
Kuha ni JONJON C. REYES
Drive niyari si nene, yari sa parak
NAHAHARAP sa kasong pangmomolestiya at child abuse ang jeepney driver tsuper makaraang maaresto ng mga operatiba ng Manila Police District sa Tondo, Manila matapos biktimahin ang 9-anyos na batang baabe.
Nakilala ang suspek na si Jim, ayon sa report.
Base sa ulat ni Police Captain Ryan Jay Balagtas kay Police Lieutenant Colonel Norman Patnaan, station commander ng Jose Abad Santos police station 7, bandang alas-4:30 ng hapon naaresto ang suspek dahil umano sa panggagahasa ng 9-anyos na batang babae.
Natimbog ang suspek dahil sa backtracking sa CCTV footage at natuklasang kasama ng paslit ang suspek sa hindi kalayuan sa kanilang bahay.
Inalok ng pera at pagkain ang biktima kaya sumama sa suspek subalit sa ‘di kalayuan tumanggi na ang bata at nakiusap na ibalik na siya sa kanilang tahanan.
Doon na tinakot ng suspek ang biktima, tinutukan ng patalim at dinala sa masikip at matalahib na lugar at walang-awa ginahasa.
Nagsagawa ng follow up operation ang mga pulis sa pangunguna ni P/Capt. Balagtas katuwang ang mga opisyales ng Brgy. 210 at naaresto ang suspek.
Dinumog rin ito ng taumbayan at nagtamo ng sugat sa mukha.
Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) at paglabag sa RA 11648 (An Act Providing for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse).

