MPBL

Davao lusot sa Rizal sa overtime

Robert Andaya Jul 2, 2025
506 Views

SUMANDAL ang Davao Occidental Tigers sa tapang at galing ni Reymart Escobido upang gulatin ang Rizal Xentromall Golden Coolers, 81-79, sa overtime sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Umiskor si Escobido, ang 5-foot-10 guard mula San Sebastian College, ng seven sa kanyang 10 points sa extra period upang maitakas ng Davao ang kanilang ika-pitong panalo laban sa walong talo sa 30-team tournament na itinataguyod ni boxing legend Manny Pacquiao.

Bukod kay Escobido. nagpasikat din para sa Davao sina Keith Agovida, na may 25 points at eight rebounds; Joseph Terso, na may 15 points, seven rebounds at three steals; at Chris de Chavez, na may nine points, lahat mula sa rainbow territory.

Tinanghal si Agovida bilang ‘Best Player of the Game”.

Ang Golden Coolers ay bumaba sa 10-7 record sa kabila ng 17 points, six rebounds at two assists ni Eric Camson, 14 points at two rebounds ni Robin Julian Nayve, 12 points, seven assists at three rebounds ni Samboy De Leon, 13 points, six rebounds at two assists ni Mike Canete, at 11 points at two steals ni Alwyn Alday.

Maagang na-kontrol ng Tigers ang laro at nagtala ng 34-22 kalamangan sa tulong ng 46-37 bentahe sa rebounds.

Gayunman, naghabol ang Golden Coolers at nai-pwersa ang overtime, 70-70, sa pamamagitan ng drive ni De Leon sa huling 9.6 segundo ng sagupaan

Samantala, dadayo ang MPBL sa Quezon Convention Center sa Lucena City, na kung saan magtutuos ang Manila at Pasig simula 4 p.m., Batangas at Quezon City sa 6 p.m., at host Quezon Province at GenSan sa 8 p.m.

Si PBA legend Kenneth Duremdes ang tumatayong commissioner.