Oftana Fourth PBA Press Corps-Pilipinas Live Player of the Week honor para kay Oftana. PBA photo

Oftana napili ng PBA Press Corps

Robert Andaya Jul 2, 2025
564 Views

HiNDI nasayang ang pagpupunyagi ni Calvin Oftana ng TNT Tropang 5G.

Napili muli si Oftana bilang PBA Press Corps-Pilipinas Live Player of the Week mila June 25-29 dahil sa kanyang husay sa pagtatangka ng TNT na masungkit ang inaasam na PBA granslam.

Ito ang ika-apat na PBA Press Corps-Pilipinas Live Player of the Week citation para kay Oftana.

Malaki ang naging papel ni Oftana sa nakalipas na 113-105 panalo ng Tropang 5G laban sa Elasto Painters sa Game 2 na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang naturang magandang laro ni Oftana ay naging sapat para sa TNT sa pagkawala ni Roger Pogoy dahil sa injury.

“Parang sinabi niya na ‘Ikaw na bahala, migo,’ At sabi ko, ‘Ako na bahala, migo,’” paliwanag ni Oftana patungkol sa kanyang japwa Visayan player

Sa kabuuan, nagtala si Oftana ng 39 points, kabilang ang seven points sa extra five-minute period.

At bagamat nakabawi ang Rain or Shine sa Game 3, napili pa din Oftana bilang Player of the Week ng mga sportswriters.

Tinalo ni Oftana para sa karangalan sina Pogoy, Jamie Malonzo at Scottie Thompson ng Barangay Ginebra at Anton Asistio ng Rain or Shine.

“Wala pa kaming napapatunayan,” dagdag ni Oftana, na may 22.3 points at 9.0 rebounds para sa Tropang 5G. “We’re not done yet and we need to keep moving forward.”