Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Baha

Ulan dala ni Bising, habagat nagdulot ng baha sa 38 lugar sa Luzon

693 Views

UMABOT SA 38 lugar sa Luzon ang binaha dahil sa malakas na ulan na dulot ng southwest monsoon o Habagat at bagyong Bising.

Ayon kay Office of Civil Defense o OCD officer-in-charge Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, wala namang naiulat na nasugatan o nasawi dahil sa baha.

Sa ngayon, binabantayan ng ahensya ang sitwasyon sa Pangasinan dahil sa posibilidad na pag-apaw ng Agno River.

Sa ulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nasa 82,548 indibidwal o 27,401 pamilya ang naapektuhan ng masamang panahon sa Ilocos Region, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region o CAR.

Sa nasabing bilang, siyam na tao o dalawang pamilya ang nanatili sa evacuation centers habang 3,002 indbidwal o 1,017 pamilya ang mas piniling manatili sa ibang lugar.

Sa Ilocos Region, mahigit sa 600 pamilyang apektado ng baha at abot sa 12 pamilya ang inilikas.

Samantala, sa Zamboanga City, nagsimula naring lumikas ang mga residente sa ilang lugar matapos na umapaw ang mga ilog partikular na ang Tumaga river.

Dalawang landslides at dalawang falling debris ang naiulat sa Central Luzon, at CAR habang nasa 14 na bahay ang nasira , 12 sa mga ito ay bahagyan nasira at dalawa ang tuluyang nawasak.

Isang pangunahing kalsada rin ang hindi parin madaanan at nanatiling walang ilaw ang limang lugar sa naturang rehiyon.

Umabot din sa 219 lugar sa bansa ang nagsuspinde ng klase at trabaho kung saan 36 sa mga ito ay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, CAR, at Metro Manila.

Sa ngayon, nasa P352,891 tulong ang naipagkaloob sa Ilocos Region, Central Luzon at CAR.