Megalotto

Mananaya sa Zambo City tumama ng P8.9M jackpot

170 Views

ISANG mananaya sa Zamboanga City ang nanalo ng P8.9 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45.

Isa ang nakakuha ng winning number combination na 17-32-23-14-25-18 na lumabas sa bola noong Lunes, Hunyo 20, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 19 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tumama naman ng tig-P1,000 ang 1,570 mananaya na nakaapat na numero at tig-P30 ang 25,521 mananaya na nakatatlong numero.

Ang premyo na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyenotng buwis.