Phivolcs

Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.9 lindol

197 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.9 ang yumanig sa Davao Occidental Lunes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-1:39 ng hapon.

Ang epicenter ng lindol ay 395 kilometro sa silangan Balut Island na sakop ng Sarangani. May lalim itong 224 kilometro.