Maulan

Magiging maulan pa rin sa maraming bahagi ng PH dahil sa habagat

636 Views

MAGPAPATULOY ang pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa dulot ng southwest monsoon o “habagat,” ayon sa ulat ng weather bureau nitong Sabado.

Ayon sa 4 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan ang Western Visayas, Cavite, Batangas, Palawan, at Occidental Mindoro.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog naman ang mararanasan sa Metro Manila, Mindanao, Central Luzon, Rehiyong Bicol, Pangasinan, at nalalabing bahagi ng Visayas, Calabarzon, at Mimaropa.

Nagbabala ang PAGASA na ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga naturang lugar ay maaaring magdulot ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Ang buong kapuluan ay makararanas ng mahina hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang pag-alon ng dagat. PNA