Calendar
De Lima hindi basta-basta magigiba
“HINDI siya basta-basta magigiba at matitibag”.
Ganito ang panibagong eksena sa buhay ni Mamamayang Liberal (ML) Party List Representative Leila M. De Lima matapos maghain ng Motion for Reconsideration (MR) ang prosecution panel ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kaniyang pangalawang acquittal sa parehong illegal drugs case.
Nauna rito, muling nagtatangka ang kaniyang mga kalaban na siya ay maibagsak sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa kaniyang kaso na malaon ng ibinasura at dinesisyunan ng Hukuman.
Pagbibigay diin pa ni De Lima na matagal na aniyang ibinasura ng hukuman ang kaniyang kaso at binawi na rin ng primary witness ang kaniyang mga kasinungalingang pahayag na ang kaniyang testimonya ay pawang mga gawa-gawa lamang nito.
“Ibinasura na ng hukom yung kaso dahil binawi na nung primary witness at pinasinungalingan na niya bilang gawa-gawa yung testinomya niya pero pilit na prin ninyong binubuhay yung nilibing na kaso. Okey lang ba kayo,” wika ni De Lima.
Sa kabila ng panibagong pagtatangka na maibagsak ang baguhang kongresista, bumuhos naman ang suporta ng iba’t-ibang sektor para sa kaniya makaraang ipahayag ng mga ito ang kanilang suporta at pagkondina sa prosecution panel.
Gayunman, hindi naman maitago ni De Lima ang pagkadismaya at galit dahil sa panibagong pagtatangka na siya ay maibagsak sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa mga dati niyang kaso na na-desisyonan na ng Hukuman pabor sa nasabing mambabatas.
Ayon sa kongresista, sa kabila ng panibagong panggigiba sa kaniya ng ilang grupo, nananatili naman ang suporta ng kaniyang mga kaibigan, kakilala at supporters na nagpa-abot sa kaniya ng mensahe na nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon.
“Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng nagpahayag ng kanilang suporta sa akin at pagkondena sa kalokohang ito ng prosecution panel. Nakakagalit naman ang patuloy na panggigipit na ito. I was elated over the messages of solidarity,” sabi ni De Lima.
To God be the Glory

