BOC

P9.6M smuggled na yosi nasabat

225 Views

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P9.6 milyong halaga ng sigarilyo na tinangka umanong ipuslit papasok ng bansa.

Naharang ng mga tauhan ng BOC-Port of Zamboanga (BOC-POZ) sa tulong ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company “Seaborne” ang mga sigarilyo sa karagatang sakop ng Manalipa, Zamboanga City.

Isinakay umano sa bangka na may pangalang FB JAMAIKA ang mga sigarilyo na tinangkang ipasok ng hindi binabayaran ang kaukulang buwis.

Dadalhin umano sa Cotabato City ang mga Fort White cigarette.