PWD

Pagtulong sa mga PWD na maabot mga pangarap isang tungkulin

558 Views

SA pagdiriwang ng National Disability Rights Week, iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian ang kahalagahan ng agarang pagpapatupad ng Republic Act No. 11650, o ang Inclusive Education Act.

“As we celebrate the National Disability Rights Week, we must uphold the welfare of our learners with disabilities,” ani Gatchalian. “Sa kabila ng mga hamon, may kakayahan silang mangarap at magtagumpay. Tungkulin nating tulungan silang makarating doon. Walang maiiwan. Walang mapag-iiwanan.”

Layunin ng nasabing batas na matiyak ang pagkakaroon ng accessible, patas, at dekalidad na edukasyon at mga kaugnay na serbisyo para sa mga batang may kapansanan. Binigyang-diin ni Gatchalian na hindi sapat ang pagkakaroon ng batas kung mananatili lamang itong nakasulat: “Hindi sapat ang batas kung hindi ipinatutupad.”

Taun-taon ipinagdiriwang ang National Disability Rights Week bilang pagkilala sa mga karapatan at pangangailangan ng mga taong may kapansanan, lalo na sa larangan ng edukasyon.