Gas

Presyo ng krudo, gas sisirit

Edd Reyes Jul 21, 2025
260 Views

TATAAS muli ng P1.40 kada litro ang presyo ng diesel, 40 sentimos kada litro ng gasolina at 70 sentimos ang kerosina simula sa Martes ng alas-6:01 ng umaga.

Ito ang anunsyo ng Petron Corporation, Seaoil Philippines, Pilipinas Shell at Chevron Corporation.

Nag-anunsyo na rin ang PTT Philippines, Total Philippines, Petro Gazz at Unioil ng kahalintulad na price adjustment habang alas-4:01 ng hapon ang simula ng pagtaas ng presyo ng mga produkto ng Clean Fuel.

Sinabi ni PTT Media Relation Officer Jay Julian na maagang nag-anunsiyo ang Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ng panibagong dagdag-presyo sa produktong petrolyo bunga ng paghina ng halaga ng piso at ang napipintong pagpapataw ng taripa ng Estados Unidos sa maraming bansa.