Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Suspek Kalaboso ang taxi driver na nambugbog umano ng kanyang live-in partner sa Malate, Manila. Kuha ni JON-JON C. REYES

Taxi driver nagselos ng matindi, ka-live in ginulpi

Jon-jon Reyes Jul 23, 2025
209 Views

KULUNGAN ang kinahantungan ng 20-anyos na taxi driver matapos bugbugin nito ang kanyang 24-anyos na ka-live in dahil sa matinding selos, Miyerkoles ng madaling araw sa Malate, Manila.

Nakilala ang suspek na si alyas “Vinz” ng naturang lugar.

Agad namang nagparesponde ang kapatid na babae sa biktimang si alyas “Jhonila Rose” na nagtatrabaho bilang customer care assistance.

Ayon sa ulat ni Patrolman Jessa Mae Gutierrez, ang may hawak ng kaso, kay Police Lieutenant John Paulo Dismaya, bandang ala-1 ng Miyerkoles ng madaling araw nang magresponde ang mga kapulisan habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation sa kanilang area of responsibility, nang humingi ng tulong ang kapatid ng dalaga.

Ayon sa salaysay ng biktima, sapilitan itong pinatayo habang nakikipagusap sa cellular phone kaya ibinato ito sa dingding. Hindi pa nakuntento ang suspek kaya pinatikim ng gulpi ang dalaga.

Nagtatakbo ang biktima sa kapatid na naroroon din sa tinitirhang apartment sa ikatlong palapag, kaya nakahingi ng tulong ang biktima.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act.