Magsasaka

Pagbili ng bigas nais amyendahan, para magsasaka di na masagasaan

189 Views

BINIGYANG diin ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang matinding pangangailangan na amyendahan ang mga patakaran sa pagbili ng gobyerno, kasabay ng babala na patuloy na nasasagasaan ang maliliit na magsasaka ng mga komplikadong alituntunin sa pagbebenta ng bigas sa mga institusyon ng pamahalaan.

Ayon kay Pangilinan, pangunahing may-akda ng Sagip Saka Act, mismong mga alituntunin ng Government Procurement Policy Board (GPPB) ang humahadlang sa mga kooperatiba ng mga magsasaka na direktang makapagbenta sa gobyerno.

“Though the law enables government agencies to directly procure from accredited farmers’ cooperatives, Pangilinan said GPPB rules impose stringent requirements that small-scale farmers struggle to meet,” saad sa opisyal na pahayag ng kanyang opisina nitong Huwebes.

Layon ng Sagip Saka Act (Republic Act No. 11321) na bigyang-kapangyarihan ang mga ahensya ng gobyerno na direktang bumili ng pagkain mula sa mga magsasaka at mangingisda nang hindi na kailangang dumaan sa magastos at matagal na bidding process. Ngunit ayon kay Pangilinan, ang pagpapatupad ng batas ay napipigil ng mismong mga patakarang idinisenyo upang ito’y maisakatuparan.

“These rules are supposed to prevent corruption, but what they’re preventing is progress,” giit ng senador. “They’re keeping government money from going straight to the people who grow our food.”

Sa kasalukuyang polisiya ng GPPB, kailangang makapasa ang mga kooperatiba sa serye ng mga dokumento, accreditation, at iba pang rekisito—isang bagay na malaking hamon para sa maraming maliliit na grupo. Dahil dito, napupunta ang mga kontrata sa malalaking negosyante sa halip na sa mga lokal na magsasaka.

“It’s time we ask the hard question: Why can’t our government buy rice straight from our farmers?” aniya. “Why are we forcing them to go through layers of bureaucracy that benefit middlemen but leave our food producers in poverty?”

Hinimok ni Pangilinan ang GPPB na pag-aralan muli ang procurement rules upang mas maayon ito sa layunin ng Sagip Saka Act—ang pagpapalakas ng lokal na agrikultura, pagbabawas ng kahirapan, at pagsusulong ng kaunlaran sa kanayunan.

“Gutom ang isinusugal dito,” babala niya. “Sa bawat araw na hindi natin binibili direkta sa mga magsasaka, talo ang mga pamilyang umaasa sa palay at talo rin ang pamilyang umaasa sa murang bigas.”

Binigyang-diin pa ni Pangilinan na sa panahon ng krisis sa pagkain, dapat mas mapadali para sa pamahalaan ang pagbili ng lokal na ani.

“If we truly want food security and rural development, then we must make it easier—not harder—for government to buy from our own farmers,” pagtatapos ni Pangilinan.