Calendar
Torre nag-jogging sa ulan, handa na sa bakbakan!
WALANG atrasan ang PNP Chief na si General Nicolas D. Torre III para sa inaabangang charity boxing match laban kay Davao City acting mayor Baste Duterte — kahit pa binabayo ng ulan ang Camp Crame oval, sampung ikot ang tinapos ni Torre nitong Biyernes ng umaga.
“The Chief PNP jogged around the PNP oval in the middle of the rain. Ten rounds. Part of his preparation for Sunday’s charity boxing match,” kumpirmado ni PNP spokesperson Police Brigadier Gen. Jean Fajardo.
Wala raw bago dito — talagang routine na ni Gen. Torre ang pagtakbo tuwing umaga, mula pa nang siya’y nasa Communications and Electronics Service hanggang sa Criminal Investigation and Detection Group. Rain or shine, laging present sa oval si Torre.
Huling ensayo: Huwebes ng gabi, sumalang sa sparring session sa PNP gym ang 54-anyos na PNP chief bilang final prep sa kanyang “charity boxing” kontra sa bunsong anak ng dating pangulo na ngayon ay nakadetine sa The Hague.
Nakatayo na ang ring sa Rizal Memorial Sports Complex, at ayon kay Gen. Torre, handa na siya.
“Whether he shows up or not, may mga sponsors na may nagsabi na magdo-donate na lang ng mga ayuda sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo at baha,” aniya.
Tirang ‘below the belt’?
Nagbitaw ng masakit na banat si DILG Secretary Sec. Benhur Remulla laban kay Baste Duterte. Ayon sa kanya, sa halip na maghamon ng suntukan, sana’y tumulong na lang si Baste sa mga nasalanta ng bagyo.
“He picks a fight to show his machismo. He should have helped the people instead. It shows poor character and zero empathy to the people who matter,” buwelta ni Remulla.
Kwento pa ng kalihim, si Gen. Torre ay matagal nang palaban.
“He was short, dark, but very intelligent. He never backed out of a fight in his life. Kahit mas matangkad at mas mabigat ang kalaban, lalaban ‘yan,” aniya sa isang panayam sa TV.
Matatandaan na ang unang hamon ni Baste kay Torre ay noong Agosto 2024 nang pagbantaan niya ito ng sampal dahil sa pag-reshuffle ng mga pulis sa Davao City. Deadma noon si Torre at tinawag na “waste of energy” ang patutsada ni Duterte.
Pero ngayon, ibang usapan na — kasi ang suntukan, para na sa charity.
Bukod sa proposal na Manny Pacquiao ang maging referee, inamin ni Torre na kahit hindi sumipot si Baste, tuloy ang tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Crising at habagat.
“To threaten is one thing, but to actually do it is another,” giit ng PNP Chief.

