BI

268 dayuhan timbog sa BI mula Enero hanggang Hulyo

Jun I Legaspi Jul 27, 2025
256 Views

UMABOT sa 268 na dayuhan ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) mula Enero hanggang Hunyo 2025 halos apat na beses na mas marami kaysa sa 69 na nahuli noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Ang ulat ng BI tungkol sa mga naaresto nila nagpapakita ng mas pinaigting na kampanya laban sa mga dayuhang pugante kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang dito ang mga Koreano na sangkot sa marahas na pagnanakaw at panlilinlang at mga Hapon na miyembro umano ng Luffy at JP Dragon syndicates na nagnanakaw sa mga matatanda gamit ang pekeng pagkakakilanlan bilang pulis.

Mas pinatibay ang ugnayan ng Pilipinas sa mga dayuhang ahensya upang matukoy at ma-deport ang mga itinuturing na “undesirable aliens.”

“Hindi magiging taguan ang Pilipinas ng mga pugante. Determinado kaming hanapin sila at ibalik upang harapin ang hustisya. Bahagi ito ng Bagong Immigration tungo sa Bagong Pilipinas.

Mananatili tayong matatag, maalam at matapat sa pagpapatupad ng batas,” ayon kay Viado.