Lacson

Lacson itinangging may kinalaman sa documento sa budget insertions

333 Views

WALANG kinalaman si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga dokumentong umano’y nag-uugnay kay Senate President Francis Escudero sa P142.7 bilyong halaga ng insertions sa panukalang pambansang badyet para sa 2025.

Sa panayam ng DWIZ nitong Sabado, nilinaw ni Lacson na hindi sa kanya nanggaling ang mga dokumento at wala pa siyang pinal na pagsusuri sa bawat detalye ng panukalang badyet.

“I can clearly speak for myself. The supposed documents on the insertions did not come from me because my research on the 2025 budget is still ongoing. We have not reached the point where we have scrutinized the budget item for item,” aniya.

Binigyang-diin niyang mali ang ilang datos sa dokumento na hindi tumutugma sa kanilang kasalukuyang findings.

“One of the items in the supposed documents did not match our findings, its figures were incorrect. So I can categorically say I do not have anything to do with those documents claiming he caused the insertion of P142.7 billion,” dagdag ni Lacson.

Bagamat kinumpirma niyang may natanggap siyang kopya ng naturang mga dokumento, iginiit niyang wala siyang kaugnayan sa mga ito.

Samantala, sinabi ni Escudero na “politically motivated” ang alegasyon at iginiit na ang mga dokumento ay nagmula sa mga anonymous source.