Calendar
Conscience bloc layunin maging nakakahawa
MAKIKIBAHAGI si Senador Panfilo “Ping” M. Lacson sa binubuong “conscience bloc” sa Senado sa muling pagbubukas ng ika-20 Kongreso sa Lunes.
Ayon kay Lacson, sasama sa grupo sina dating Senate Presidents Vicente “Tito” Sotto III at Juan Miguel Zubiri, gayundin si Senadora Loren Legarda. Posible ring sumali si Senadora Risa Hontiveros.
Ipinaliwanag ni Lacson na hindi nila layuning mapabilang sa mayorya. Sa panayam sa DWIZ radio, sinabi niya: “We hope the bloc becomes infectious. We are not saying those who don’t join us do not have a conscience. But we want those with a conscience to share our advocacies. If they don’t believe in our bloc, we are not forcing them to join.”
Iginiit ni Lacson na mananatili siyang aktibong fiscalizer sa Senado, tagasuri ng mga panukala at polisiya, at magpapatuloy sa pagsusulong ng kanyang mga adbokasiya anuman ang kanyang estado—mayorya man o minorya.
Bilang patunay, binanggit niya ang ilang mahahalagang batas na kanyang naipasa kahit kabilang sa minorya noon, gaya ng Anti-Red Tape Act of 2007, Philippine Dental Act of 2007, at Real Estate Service Act of the Philippines.
“To me it doesn’t matter. We can make any committee become productive if we work hard,” aniya.

