Calendar
VM Chi binigyan papuri mga tapat, maaasahang kawani
BINIGYANG-parangal ng Sangguniang Panlungsod ng Manila sa pangunguna ni Vice Mayor Chi Atienza ang mga tapat at maaasahang kawani at opisyal ng pamahalaang lungsod sa pagdiriwang ng kanilang ika-124 anniversary noong Hulyo 31.
Sa temang “Celebrating a Legacy of Public Service, Recognizing Legislative Excellence” idinaos ang pamamahagi ng parangal sa mga indibidwal na may ginagampanang papel sa pagpatakbo ng Konseho.
“In this administration, you can be sure that the employees of the council who have dedicated their lives to serving our city will be given the honor they deserve,” pahayag ni VM Atienza.
Sa ipinasang resolusyon na sinuportahan ng bise alkalde, lahat ng konsehal na dumalo sa sesyon ay itinuturing na mga co-principal bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa paglikha ng mga batas.
Kabilang sa mga pinarangalan sina Councilors Luciano Veloso at Irma Alfonso-Juson na nakuha ang Perlas ng Konseho Award; Councilors Erick Ian Nieva at Juliana Ibay sa Tanglaw ng Konseho Award at siya rin nakakuha ng Liwanag ng Konseho Award.
Ang Bantayog ng Serbisyo Award ay ibinigay kay Lito D.P Martin, Alab ng Paglilingkod kay Noel Cebricos at Virginia Aumada, Diwa ng Kaagapay Award kina Mylene Belles, Merlyn Barcelon at Janette Igot.
Tiniyak ni VM Atienza na ang prinsipyo ng pagkilala at pagkakaloob ng parangal na idinaraos sa kanilang anibersaryo ay magsisilbing tatak ng kadalisayan ng Konseho ng Maynila.
“What we are doing today in the city council is a symbol of what you can expect for the next three years,” dagdag ng bise alkalde.

