Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Anicete Iniharap ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete ang mga natimbog na suspek sa Baseco, Port Area, Manila.

May boga, mga sugarol huli sa Baseco

Jon-jon Reyes Aug 1, 2025
394 Views

BINITBIT ng mga tauhan ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District ang isang lalaki sa Block 1, Gasangan Brgy 649, Baseco compound, Port Area, Manila noong Lunes gabi dahil sa pagdadala ng baril.

Nakilala ang suspek na si alyas Warren.

Base sa ulat ni Police Corporal Lorebingson Pacatang kasama si Patrolman John Yves Manalo ng Tactical Motorized Rider’s Unit (TMRU) na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, bandang alas-11:20 ng gabi ng maispatan ang isang lalaki habang nakaupo sa tabi ng kalsada.

Nakitang balisa ang suspek hanggang sa makitaan ng baril. Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms Law and Ammunitions).

Arestado rin ang apat na lalaki habang nagsusugal ng cara y cruz at nahulihan pa ng ipinagbabawal na gamot ang isa sa mga suspek sa Baseco compound, Port Area, Manila noong Miyerkules,.

Naaresto sina alyas Marc John at Fred, 50 at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 at RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos nasamsaman ng 5 gramo ng shabu.

Ayon kay Police Lieutenant Col. Anicete, nagkukumpulan sa Brgy. 649, Port Area, Manila ang dalawa kaya nahuli.

Dinampot din sina alyas Harris, 23 at John Mark, 22. Patuloy ang Oplan Galugad ng mga pulis para mahuli ang mga kriminal sa Baseco.

Narekober sa possession ng mga suspek ang 3 flippers at P850 sa iba’t-ibang denominasyon

Nakuha rin ang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.