Calendar
Ang suspek na naaresto ng mga operatiba ng MPD Sampaloc Police Station at ang kuha sa CCTV kung saan makikita ang pagpatay nito sa isang biktima sa Sampaloc, Manila. Mga kuha ni JONJON C. REYES
MPD nakorner Boy Negro na wanted sa murder, frustrated murder

ISANG 38-anyos na lalaki na may patong patong na kaso ng pagpatay at bigong pagpatay pati na pagdadala ng baril, matapos na matimbog sa harap ng isang kilalang kainan sa kahabaan ng Marcos Highway corner Olaila Road brgy Sta Cruz, Antipolo City, Linggo ng gabi.
Kinilala ni MPD Director Police Brig.General. Arnold Abad ang suspek na si Ramil Tuazon alyas Boy Negro, residente ng Bgy. Bagong Nayon, Antipolo City.
Ayon kay PLt.Col. Joven Gerong, hepe ng MPD Sampaloc PS 4, bandang 11:00 ng gabi nang damputin ng mga operatiba ng Sampaloc Police station ang suspek sa nabangit na lugar,
Inaresto ng mga operatiba ng Intelligence and Warrant Section ng Sampaloc Police Station (PS-4) ang akusado sa bisa ng warrants of arrest para sa mga pagpatay, frustrated murder at paglabag sa R.A. 10591 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay Police Major. Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD, anim na araw na surveillance ang isinagawa ng mga operatiba para mahanap ang suspek.
Ipinaalam sa akusado ang uri ng pag-aresto sa kanya at kanyang mga karapatan sa konstitusyon sa isang diyalektong kilala at naiintindihan niya, ngunit pinili niyang manahimik.
Pansamantalang nakakulong ang akusado sa custodial facility ng istasyon ng pulisya.

