Calendar
9 suspek na bugaw nahuli sa QC
NADAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang limang pinaniniwalaang bugaw at nasagip naman ang siyam na babae, kabilang ang dalawang menor de edad, sa entrapment sa Quezon City noong Linggo
Sa ulat kay QCPD Acting Director, P/Col. Randy Glenn Silvio, nakilalang ang mga suspek na sina alyas Angeline, 37; Rammil, 33; Anthony; Angel, 21; at Jerome, 30.
Nagsagawa ng joint entrapment ang QCPD at nakipagtransaksyon ang impormante sa manager ng tindahan na si Rammil na nag-alok ng babaeng menor de edad kapalit ng P1,500.
Sa pre-arranged signal, inaresto ng mga operatiba sina Rammil at Angeline at nailigtas ang apat na babaeng biktima at isang menor de edad.
Nagsagawa ng hiwalay na inspeksyon sa D’ Angels Bar, kung saan natuklasan ng Business Permit and Liscensing Department (BPLB) team na walang business permit ang establisyimento at ang mga waitress/guest relations officers (GROs) ay walang indibidwal na yellow card o health certificate.

