Sotto

Sotto: Ani ng magsasaka bilhin direkta sa presyo nila

299 Views

BILANG TUGON sa panawagan ng Pangulong Ferdinand Marcos jr., na bigyan ng importansiya ang ating mga lokal na magsasaka, nanawagan si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III sa pamahalaan na magsagawa ng direktang pagbili ng kalahati ng kabuuang ani ng mga magsasaka sa presyong sila mismo ang magtatakda, bilang hakbang upang mapataas ang kita ng mga ito at mapababa ang presyo ng pagkain.

Sa ginanap na interpelasyon hinggil sa rice production at kapakanan ng mga magsasaka, iminungkahi ni Sotto ang agarang pag-aaral sa naturang panukala.

“May I suggest the Committee on Agriculture study the possibility of the government buying 50% of the output of all farmers at their price. Please make a study to that effect,” aniya. “Because based on the study that was presented many years ago, it will help everyone. And the food prices might even go down.”

Bilang patunay ng bisa ng naturang sistema, tinukoy niya ang matagumpay na inisyatibo sa Davao del Norte sa ilalim ni Governor Edwin Jubahib.

“There is a successful experimental project to that effect that has been done by the Davao del Norte. The governor of Davao del Norte, Governor Jubahib, has been doing this for about two years already and it’s been successful,” saad ni Sotto.

Ipinunto rin ng senador na maaaring gamitin ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng proyekto, partikular ang mga Food Terminals sa bawat LGU.

“LGUs could be used, FTIs in all LGUs could be possible. So again, the study can be made by the Committee on Agriculture,” dagdag niya.

Kinatigan naman ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang mungkahi at ipinaalala na may legal na batayan na ang direktang pagbili ng gobyerno sa mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda.

“Direct purchases by [the] government to farmers and fisherfolk organizations are exempted from public bidding,” paliwanag niya.

Binigyang-diin ni Pangilinan ang mahalagang papel ng sektor ng agrikultura sa kalusugan ng sambayanan.

“Napakahalaga ng ating magsasaka bilang bahagi ng lipunan natin. Sila ang isa sa napakahalagang pundasyon ng ating kalusugan,” aniya.

Dagdag pa niya, “Government actually… is the biggest buyer of food every year.”

Samantala, ipinahayag ni Senador Raffy Tulfo ang suporta sa konsepto ngunit binigyang-babala ang kakulangan sa pasilidad ng gobyerno.

“I do agree with the Senate minority leader that the government should be the one buying the rice from the farmers at a certain price. But the problem is we don’t have enough warehouses,” anang senador. “We should invest first doon sa post-harvest at kasama na doon ang pagkakaroon ng maraming warehouses ng NFA.”

Sa ngayon, isinumite na ang mungkahi sa Senate Committee on Agriculture para sa masusing pag-aaral at konsultasyon.