Calendar
Source: PNA
Koneksyong e-wallet, online sugal dapat di na magtagal
NANAWAGAN si Senador Sherwin Gatchalian sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ipagbawal ang mga e-wallet providers sa pagkakaroon ng direktang koneksyon sa mga online gambling sites. Binigyang-diin niya na ang ganitong sistema ay nagtutulak sa maraming Pilipino sa adiksyon at pagkalubog sa utang.
“The BSP should prohibit e-wallets from providing direct links to online gambling platforms. By severing this direct connection, the BSP can protect countless Filipinos from the destructive cycle of gambling addiction,” pahayag ni Gatchalian.
Ipinaliwanag ng senador na ang mabilis na akses sa pagsusugal sa pamamagitan ng e-wallets ay nagiging dahilan kung bakit maraming mamamayan, lalo na ang kabataan, ang nasasangkot sa online gambling. “Pwede nang i-ban ng BSP ‘yung connection ng e-wallets sa mga online gambling… Ito kasi ang isang nagiging pinto sa pagsusugal ng mga kababayan natin dahil napakabilis nilang maka-connect sa mga online gambling sites,” dagdag pa niya.
Bilang tugon, naghain na si Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong paigtingin ang regulasyon sa online gambling sa bansa. Isa sa mga pangunahing probisyon nito ay ang pagbabawal sa mga non-bank electronic money issuers—gaya ng e-wallets—na iugnay ang kanilang mga serbisyo sa online gambling platforms sa pamamagitan ng URLs, app links, hyperlinks, at iba pang kahalintulad na paraan.

