Ridon Bicol Saro Rep. Terry Ridon

Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, nahigitan survey rating ng Senado — Ridon

314 Views

NAHIGITAN ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang trust at satisfaction ratings ng Senado na isang katunayan na nakikita ng publiko ang mahusay na pagtatrabaho ng mga kinatawan ng Mababang Kapulungan.

Ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon, chairman ng House committee on public accounts, malinaw sa pinakahuling survey ng OCTA—na nagpapakitang bahagyang nalampasan ng Kamara ang Senado sa trust at performance ratings—na ang “steady, consistent work” sa ilalim ni Speaker Romualdez ay hindi nakalampas sa mata ng publiko.

“There is no reason to change the House leadership if it remains fully committed to ensuring accountability from high public officials through impeachment and other lawful proceedings,” pahayag ni Ridon, bilang tugon sa pahayag ni Sen. Imee Marcos na palitan ang liderato ng Kamara.

“The OCTA survey numbers reflect that. For the first time in recent memory, the House has surpassed the Senate in public trust and performance ratings. That’s not just a fluke. That’s hard work in action,” dagdag pa ng mambabatas.

Batay sa OCTA survey ng Hulyo 2025, nakatanggap ang Kamara ng 57 porsiyentong trust rating mula sa dating 49 porsiyento, at satisfaction rating na 55 porsiyento mula sa dating 47 porsiyento. Nalampasan nito ang Senado na nagtala ng 49 porsiyento at 47 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay Ridon, karaniwang mas mataas ang Senado sa parehong sukatang ito, ngunit ngayon ay malinaw na bunga ito ng tuloy-tuloy na pagtutok ng Kamara sa mga isyung mahalaga sa karaniwang Pilipino.

Ayon kay Ridon, inklusibo at tutok ang pamumuno ni Speaker Romualdez, at laging kasama sa gawain ng mga miyembro.

“Congress is committed to its three pillars of work: legislation, oversight, public service—lahat ‘yan naipapakita sa trabaho ng Kamara,” giit ni Ridon.

Patunay dito ang tuloy-tuloy na pagpasa ng mga LEDAC priority bills, pagresolba sa mga pambansang isyu, at malinaw na pagpapakita ng pagiging bukas sa mga imbestigasyon ng mga komite.

“So nakikita no’ng tao ‘yung sipag ng 19th Congress. Dati, sanay na ang House na mas mababa siya sa Senate sa trust and satisfaction ratings. Pero nakita natin, mas mataas na siya ngayon,” ayon sa mambabatas.

“At nakita n’yo naman ‘yung sa Senate. Sumadsad ang trust and satisfaction ratings niya. Trust means tiwala ng taong-bayan, bumaba. ‘Yung satisfaction ratings, patungkol ito sa performance eh. So hindi lang tumaas ‘yung sa House, nag-nosedive ‘yung sa Senate,” dagdag pa niya.

“Political heat on the institution will always be there. But the public sees who’s working and who’s performing. Kaya hindi natin alam kung bakit ‘yung mga senador eh todo criticize sa House leadership,” sabi pa ni Ridon.

Umaasa si Ridon na magtutulungan pa rin ang dalawang kapulungan para mapanatili ang integridad at maayos na trabaho, lalo’t mas mataas na ang inaasahan ng publiko.

“Pero sa totoo lang, it’s not just about one chamber outperforming another. It’s about making sure Congress, as a whole, serves the people with honesty and competence,” ani Ridon.