Martin1 ONE VISAYAS — Hinimok ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kapwa mambabatas mula Regions 6, 7, 8, at Negros Island Region na magtulong-tulong upang mapabuti ang buhay ng kanilang mga kababayan. Ang panawagan ay kanyang inihayag sa unang pagpupulong ng Visayas Caucus sa Social Hall sa Office of the Speaker sa Kamara de Representantes nitong Miyerkules. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez pinangunahan unang pagpupulong ng Visayas Caucus

248 Views

PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang unang pagpupulong ng Visayas Caucus noong Miyerkules ng hapon, kung saan nagsama-sama ang mga kongresista mula sa iba’t ibang bahagi ng Kabisayaan para magkaisa at mas mapalakas ang boses ng rehiyon sa mga usaping pambansa.

Sa pagpupulong na pinagbuklod ng iisang layunin para mapa-unlad ang rehiyon, nagkaisa ang mga mambabatas mula sa Regions 6, 7, 8, at Negros Island Region na magsama-sama—sa kabila ng pagkakaiba ang partido—para itaguyod ang kapakanan ng mga Visayan at maisama ang kanilang mga pangangailangan sa mga plano ng pambansang pamahalaan.

“This is more than a meeting of colleagues. It is a meeting of hearts united by the same roots, the same aspirations, and the same duty to serve our people,” ani Speaker Romualdez.

“Each of us carries the hopes of our kababayans back home. The Visayas Caucus is our way of making sure their voices are heard and felt in the halls of Congress.”

“Ang Kabisayaan ay mayaman hindi lang sa likas na yaman kundi sa sipag, talino, at tibay ng kanyang mga mamamayan,” dagdag pa niya. “Panahon na upang ang sigaw ng Visayas ay marinig, hindi lang sa plenaryo, kundi sa bawat desisyong pambansa.”

Itinatag ang Visayas Caucus bilang isang samahan na nakatuon sa adbokasiyang pang-rehiyon at hindi nakabase sa partido. Bagamat magkakaiba ang partido ng mga miyembro, naniniwala silang makakamit ang kaunlaran ng rehiyon sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at sama-samang pamumuno.

“And very important and critical that the synergies and engagements and the relationships of all of us in the region become closer and tighter. And I think we have so much in common to share. I was recently also in Mindanao about the other month and we talked about the Mindanao agenda. So similar to what we talked about when I was in Butuan, in Caraga, we’d like to get the Visayan agenda—hence the Visayas caucus,” ani Speaker Romualdez.

“In other words, in the four regions that we have identified, we really want to focus and concentrate on what are the top priorities per region. And you having placed me here in this position to serve you as the Speaker, I would like to actually deal down with you sit down with you and get this priority projects, programs moving faster,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang Caucus ay hindi magsisilbing political bloc kundi isang mekanismo upang matukoy ang mga karaniwang isyu, maisulong ang mga makabuluhang patakaran, at makakuha ng pondo para sa mga proyektong direktang makikinabang ang Kabisayaan.

Kabilang sa mga pangunahing layunin ng Caucus ang pagpapalakas ng imprastruktura; pagtitiyak ng sapat na suplay ng tubig at kahandaan sa panahon ng sakuna; modernisasyon ng agrikultura; pagpapalawak ng access sa serbisyong pangkalusugan at edukasyon; muling pagsigla ng turismo; pagpapabuti ng konektibidad sa pagitan ng mga isla; at pagsusulong ng digital transformation.

“Our goal is simple,” wika ni Speaker Romualdez. “We want a more resilient, more connected, and more empowered Visayas. This means building better roads and ports, bringing services closer to the islands, modernizing our farms, and making sure no Visayan is left behind in our nation’s progress.”

“Hindi ito pulitika—ito ay paninindigan para sa rehiyon. Sa Caucus na ito, bawat isla ay may boses, bawat komunidad ay may kinatawan, at bawat pangarap ay may pagkakataong matupad,” diin pa ng mambabatas mula sa Leyte.

Ang estruktura ng Caucus ay sumasalamin sa parehong pagkakaiba-iba at pagkakaisa ng rehiyon ng Kabisayaan, kung saan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang nagsisilbing Lead Convenor.

Ang mga Regional Chairperson ng Visayas Caucus ay sina: Rep. Janet Garin para sa Region 6 (Western Visayas), Rep. Lolypop Ouano-Dizon para sa Region 7 (Central Visayas), Rep. Yedda Romualdez para sa Region 8 (Eastern Visayas), at Rep. Jeff Ferrer para sa Negros Island Region.

Kaagapay nila ang mga Deputy Chairperson na sina Rep. Joeben Miraflores, Rep. Edu Rama, Rep. Lolita Javier, at Rep. Chedeng Alvarez sa pagtutulak ng mga adbokasiyang pang-rehiyon.

Magtatatag rin ang Visayas Caucus ng mga sectoral working groups, makikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng NEDA, DPWH, DOTr, DA, at DILG, at itutulak ang pagkakaroon ng kinatawan sa mga inter-agency na grupo na may kinalaman sa pag-unlad ng rehiyon.

“This is just the beginning,” saad ni Speaker Romualdez. “What we have launched today is not merely a caucus—it is a commitment. A commitment to stand together, speak louder, and act faster for the future of the Visayas.”

“Ang Visayas Caucus ay sumasalamin sa pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba—isang malinaw na mensahe na kapag nagsama-sama tayo, walang imposible para sa ating rehiyon,” dagdag pa niya.

Sa tulong ng matatag na pamumuno, malinaw na layunin, at matibay na paninindigan, handang maging makabuluhang puwersa sa Kongreso ang Visayas Caucus—isang puwersang inuuna ang kapakanan ng mga taga-Visayas sa gitna ng pambansang kaunlaran.

“Ang direksyon ay maaaring itakda ng partido, pero ang destinasyon ay itinutuon ng puso. At ang puso ng Caucus na ito ay para sa Kabisayaan—para sa bayan, para sa kinabukasan,” ayon pa sa pahayag ni Speaker Romualdez.