Calendar
Saludo kina Azel Mata Estabillo at Jenny Bordaje Ponce ng NC Lanting Security Specialist Agency ang mga aplikante at may transaksyon dahil sa kanilang serbisyong may puso at malasakit sa DFA.
Sikyu na sina Estabillo, Ponce maipagmamalaki ng DFA, NC Lanting Security Specialist Agency
NAKATANGGAP ng papuri ang dalawang security guard ng NC Lanting Security Specialist Agency na nakatalaga sa reception lobby ng Deparment of Foreign Affairs office sa Aseana Macapagal sa Paranaque City.
Maraming aplikante ang nagpahayag sa People’s Tonight ng kanilang pagkatuwa kina Azel Mata Estabillo at Jenny Bordaje Ponce.
“Wala akong appointment pero magalang na tinanong nina Estabillo at Ponce kung ano ang mga dala kong dokumento. Pagkatapos ay matiyaga nilang tiningnan kung may kaukulang confirmation akong dala kung kaya’t nakuha ko rin ang aking sadyang pakay na passport,” ani ng isang aplikante ng passport.
Isang senior citizen rin ang natuwa kay Estabillo dahil inalalayan siya sa pag-renew ng kanyang passport. “Hindi ko alam ang aking gagawin kung kaya’t inalalayan ako ni Miss Azel. Siya pa ang kumuha ng application form at itinuro ako sa mga tao at counter na dapat kong puntahan. Nang matapos na ako sa lahat ng proseso ay pumalakpak pa siya at natuwa na success ang aking lakad,” ani ng senior citizen.
“Ang ganitong klaseng serbisyo sa unang hakbang pa lamang ng aplikasyon ay nakakatanggal ng tensyon at pag-aalinlangan sa mga aplikante. Madalas ay hindi namin alam kung ano ang mga dapat gawin. Pero ang katulad nina Estabillo at Ponce na may malasakit at serbisyong may puso ay sadyang nakaka-engganyo. Dahil sa kanila ay talagang nakakabilib ang magandang pamamalakad ng DFA at ng mga opisyal nito pati na ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos. Kahit mga ordinaryong tao ay inaasistehan at pinapahalagan. Kapuri-puri din ang ahensiya nila sa NC Lanting Security Specialist Agency. Mabuhay kayo!,”ani pa ng isang aplikante.
Siguradong ipinagmamalaki si Azel ng kanyang mister na si Mar L. Estabillo at mga anak na sina Altea Faith at Mark Philip. Maging si Jenny ay maipagmamalaki ng kanyang pamilyang sina Ahriez Ponce Jr. at Marie Chris Bordaje.

