Posas

Empleyado ng govt huli sa robbery-extortion, estafa

319 Views

NAARESTO kamakailan sa entrapment ang babaeng empleyado ng Quezon City hall dahil sa robbery-extortion at attempted estafa.

Ayon kay QCPD Acting Director P/Col. Randy Glenn Silvio, tinimbog ang suspek sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City dahil sa sumbong ng biktima na binantaan ng suspek na isasara ang negosyo niya dahil sa expired na certificate of exemption to operate.

Mas malala pa rito, humihingi ng P847,982 ang suspek para sa renewal ng kanyang business permit.

Nagkasa ng entrapment ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Edison Uano at nadakip ang suspek sa loob ng fastfood sa Matalino St., Brgy. Central bandang alas-5:00 ng hapon.

Narekober sa suspek ang isang P1,000 genuine money kasama ang P849,000 boodle money, isang brown envelope at isang cellphone.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong Robbery Extortion at Attempted Estafa sa Quezon City Prosecutor’s Office.