PCG

Barko ng PCG, BFAR mananatili sa Scarborough Shoal

Zaida Delos Reyes Aug 19, 2025
221 Views

PATULOY na ide-deploy ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Scarborough Shoal para protektahan ang mga mangingisdang Pinoy.

Ito ang inihayag ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela.

Aniya, malaya ring makakapangisda ang mga Pinoy sa shoal.

Paliwanag ng opisyal ang pagde-deploy ng kanilang mga barko sa lugar ay naglalayong mapangalagaan at maprotektahan ang interes ng mga Pilipinong mangingisda.

Suportado din aniya ng PCG at BFAR ang Kadiwa ng Bagong Bayaning Mangingisda Program, na naglalayong mas mahikayat pa ang mas maraming mga Pilipino na mangisda sa West Philippine Sea.

Ang pahayag ay ginawa kasunod ng mapanganib na aksiyon ng mga barko ng China na nagbanggaan habang hinahabol ang BRP Suluan ng PCG noong nakaraang linggo.