Madrona

Madrona isinulong panukalang batas para sa pagre-reporma ng PCG

Mar Rodriguez Sep 2, 2025
261 Views

Madrona1Madrona2BUNSOD nang malaking papel na ginagampanan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pangangalaga sa mga teritoryo ng Pilipinas partikular na ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS), isinulong ni Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang House Bill No. 426 na naglalayong makapaglatag ng mga polisiya at organizational reforms sa PCG upang epektibo nitong magampanan ang kanilang tungkulin o mandato sa pagtitiyak sa maritime safety.

Sabi ni Madrona na kabilang sa mga tungkuling ginagampanan ng PCG ay ang maritime safety at ang maritime environmental protection kung saan pinangangalagaan nito ang mga yamang dagat laban sa pang-aabuso at paglapastangan.

Dagdag pa ni Madrona na ang pangunahing layunin ng House Bill No. 426 ay ang pagrebisa sa Philippine Coast Guard Law kung saan kinakailangang maisa-ayos ang PCG organizational structures na sasaklaw sa aspeto ng pagkakaloob ng retirement benefits para sa mga PCG personnel.

Paliwanag ng kongresista na nais ng kaniyang panukalang batas na rebisahin ang Republic Act No. 9993 o ang Philippine Coast Guard (PCG) of 2009.

Samantala, sa ginanap na second round ng strategic high-level consultations and dialogue kasama ang Department of Agriculture (DA) at Department of Transportation (DOTr). Tiniyak nina Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel at Transportation Sec. Vince Dizon ang kanilang kahandaan na suportahan ang mga panukala ni Madrona para sa pagpapaunlad ng Romblon.