Castro Photo source: Screenshot mula sa YT/RTV Malacanang

Castro tumugon kay VP Sara ukol sa imbestigasyon sa flood control projects

300 Views

MARIING tumugon si Press Officer Undersecretary Claire Castro sa naging komento ni Vice President Sara Duterte na kaya umanong tapusin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa loob lamang ng isang araw ang imbestigasyon sa mga flood control project.

Ayon kay Castro sa isang press briefing nitong Miyerkules, Setyembre 3, kung ganoon lamang kasimple ang proseso ng pagsisiyasat, dapat ay iminungkahi na raw ito noon ni VP Sara sa kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin pa niya na mismong si dating Pangulong Duterte ang umamin noong Nobyembre 2020 na talamak ang ghost projects sa panahon ng kanyang administrasyon.

“Kung isang araw lang ito dapat imbestigahan, sana po ito ay na-suggest [ni VP Sara] noon sa kanyang ama dahil mismong ang dating pangulong Duterte noon ay umamin na rampant ang ghost projects noon. This is November 2020 inilabas,” pahayag ng undersecretary.