Santiago Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek sa kasong pagpatay matapos maaresto sa Baguio City. JONJON C. REYES

Nakapatay, nagtago ng 41 yrs, tiklo

Jon-jon Reyes Sep 10, 2025
223 Views

ARESTADO ang lalaking suspek sa kasong pagpatay ng mga ahente ng National Bureau of Immigration-Cordillera Administrative Region (NBI-CAR), base sa direktiba ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, sa Baguio City noong Sept. 4.

Nakilala ang suspek na si alyas Mario na nagtago ng 41 taon.

May warrant of arrest para sa murder ang suspek mula sa Regional Trial Court, Branch 5, Baguio City.

Kinasuhan ng murder ang suspek noong 1983 ngunit nakatakas sa kustodiya ng mga pulis.

Dinala sa NBI-CAR Office ang suspek bago ang turnover sa Baguio City Jail male dormitory sa Abanao St., Baguio City.