Calendar
Nagbigay si PAGCOR President at COO Wilma Eisma ng kanyang keynote address sa 1st Asia-Pacific Regulators’ Forum noong Setyembre 11 sa Newport World Resorts.
Gaming regulators nagtipon sa kauna-unahang Asia-Pacific Regulators’ Forum

NAGTIPON sa Maynila nitong Huwebes ang mga gaming regulator mula sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific sa kauna-unahang Asia-Pacific Regulators’ Forum upang talakayin ang mabilis na pagbabago sa digital gaming.
Sa kanyang keynote address, sinabi ni PAGCOR President at COO Wilma Eisma na bagama’t magkakaiba ang laki at antas ng pag-unlad ng mga gaming jurisdiction sa rehiyon, magkakatulad ang hinaharap nilang mga hamon gaya ng cross-border transactions, mabilis na digitalization, at balanseng pagtutok sa kita ng ekonomiya at pananagutan sa lipunan.
“In the Philippines, electronic gaming has become a significant growth driver and PAGCOR has responded with initiatives that ensure accountability, security, and consumer protection while allowing the industry to thrive responsibly,” ani Eisma.
Gayunman, sinabi ng opisyal na sinusubok ng digitalization, remote gaming at mga bagong platform ang nakasanayang sistema ng regulasyon.
“By exchanging best practices, aligning responsible standards, and keeping pace with innovation, we can ensure that the region’s gaming industry grows not just in size but in trust, resilience, and sustainability,” dagdag niya.
Ipinunto ni Eisma na nagpatupad na ang PAGCOR ng mga reporma gaya ng mas mahigpit na advertising rules, mas matibay na financial safeguards, at pinalawak na responsible gaming programs. Pero, aniya, ang mas malaking hamon ay kung paano sasabay sa mabilis na paglawig ng online at remote gaming.
Umaasa naman si Eisma na magiging taunang plataporma para sa tuloy-tuloy na dayalogo ang Regulators’ Forum, na magkakaroon ng mas malaking edisyon sa 2026.
“I am confident that this Regulators’ Forum will evolve into a hub for knowledge, collaboration and shared commitment. Together, let us set the tone for gaming regulation in Asia: one that is innovative, collaborative and firmly anchored on integrity,” sabi pa niya.
Ang pagtitipon, na inorganisa ng PAGCOR at Inside Asian Gaming (IAG) at ginanap sa Newport World Resorts, ay dinaluhan ng mga regulators, operators at iba pang stakeholders mula sa iba’t ibang bansa para pag-usapan ang player protection, financial integrity at kinabukasan ng gaming regulation.

