Calendar
P1.02M shabu nasamsam; 3 drug suspek tiklo
TIMBOG ang tatlong pinaghihinalaang drug suspek sa buy-bust sa isang apartelle sa Ususan, Taguig City noong Huwebes at nakasamsam ang mga pulis ng 150 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.02 milyon kasama ang marked money.
Kinilala ang mga nahuli na sina alyas, J; 33; Michael, 18; at Archie, 20.
Kabilang sa mga nakumpiska sa mga suspek ang 150 gramo ng shabu, isang P1,000 bill, 49 na piraso ng P1,000 buy-bust money, isang sobre,at isang Android phone.
Bandang alas-8:40 ng gabi nang isagawa ang operasyon na pinangunahan ng mga tauhan ng Southern Police District Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni P/Maj. Cecilio Tomas Jr., sa ilalim ng superbisyon ni P/Col. Robert Baesa, acting SPD deputy district director for operations.
Pinuri ni Southern Police District Acting Director Police Brigadier General Randy Arceo ang mabilis na aksyon ng mga operatiba at muling binigyang-diin ang matibay na paninindigan ng SPD laban sa droga.
“This successful operation is a clear testament to our relentless fight against illegal drugs,” sabi ni P/BGen. Arceo.

