Calendar
Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek matapos maaresto sa entrapment sa isang restaurant sa Cubao, Quezon City.
Babae arestado sa pekeng investment scheme
INARESTO ng mga agents ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang isang babae dahil sa umano’y ilegal investment scheme na nambibiktima ng mga pensiyonado.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nag-ugat ang operasyon sa reklamong inihain sa NBI-NCR hinggil sa umano’y ilegal investment scheme na ginagawa ng naarestong suspek na si alyas Dominga.
Nangangako suspek ng mataas na kita pero walang lisensya mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang kanyang negosyo.
Ayon sa complainant, sa P900,000 na ipinagkatiwala sa suspek P120,000 lang ang natitira sa kanila.
Sinubukan ng mga biktima na mabawi ang kanilang pera pero hindi na nakuha.
Dahil sa reklamo, nagsagawa ang mga NBI agents ng entrapment sa isang mall sa Cubao, Quezon City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Batay sa sertipikasyon mula sa SEC, hindi rehistrado sa kanila ang DS Mejia Documents Facilitation Service ng suspek.
Higit pa rito, hindi ito nabigyan ng anumang pangalawang lisensya bilang lending company, broker o dealer ng securities, dealer sa government securities o investment adviser.
Pinuri ng NBI director ang matagumpay na pag-aresto sa suspek.

