Phivolcs

Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.5 lindol

183 Views

Isang lindol na may lakas na magnitude 4.5 ang yumanig sa Occidental Mindoro Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-6:40 ng gabi.

Ang epicenter ng lindol ay 31 kilometro sa kanluran ng bayan ng Rizal at may lalim na siyam kilometro, sabi ng PHIVOLCS.