Palawan

Boracay, Palawan, Siargao kasama sa kinilalang top isla sa Asya

345 Views

KINILALA ng kilalang luxury travel magazine na Conde Nast Traveler (CNT) ang Boracay, Palawan, at Siargao bilang ilan sa mga pinakamahusay na isla sa buong mundo sa 2025 Readers’ Choice Awards.

Nanguna ang mga isla sa ika-4, ika-5, at ika-7 na puwesto sa listahan ng mga top islands sa Asya, kasama ang iba pang tanyag na destinasyong pang-beach tulad ng Phú Quốc sa Vietnam at Phuket sa Thailand.

Ang resulta ng survey ay batay sa mga boto ng mga mambabasa ng naturang magazine sa United Kingdom, na inilathala sa website ng CNT noong Oktubre 7.

Napasama ang Boracay sa “Top Islands: Readers’ Choice Awards 2025” na may iskor na 90.54. Natalo ng Palawan ang Bali, Indonesia, sa iskor na 90.23, habang ang surfing paradise na Siargao ay nakakuha ng 85.49 puntos.

Narito ang buong listahan ng Top 10 Islands sa Asya ayon sa naturang awards:

1.Phú Quốc, Vietnam – 95.51

2.Langkawi, Malaysia – 92.99

3.Koh Samui, Thailand – 92.7

4.Boracay, Philippines – 90.54

5.Palawan, Philippines – 90.23

6.Bali, Indonesia – 89.84

7.Siargao, Philippines – 85.49

8.Andaman Islands, India – 85.33

9.Phuket, Thailand – 84.62

10.Phi Phi Islands, Thailand – 83.27 (PNA)